Mga Artikulo
Notasyon ng Chess - Ang Wika ng Chess!

Notasyon ng Chess - Ang Wika ng Chess!

Avatar ni erik
| 433 | Para sa Baguhan

Ang notasyon ng chess ay isang maginhawang paraan para masubaybayan ang mga laro, nang sa ganoon ay mai-replay ang mga ito para makapag-aral ng mga taktika, maintindihan ang mga pagkakamali, o pahangain ang iyong mga kaibigan. Subukan ang notasyon ng chess sa susunod mong laro - makikita mo na walang mas nakasisiya pa sa magandang-pagkakalagay ng exclamation mark sa tirang nagpanalo sa iyo ng laro.

Notasyong Algebraic

Notasyong Algebraic ang pinakasimple at pinakakaraniwang porma ng notasyon ng chess. Ito ay naglalapat ng mga titik at bilang sa grid ng chess board.

Sa diagram na ito, ang puting hari ay nasa c3 square at ang itim na hari ay nasa h5 square.

Rank (o row) 1 ay nasa dulo ng board kung saan nagsisimula ang puti; ang itim ay sa rank 8. Ang files (o column) ay nilalagyan ng titik mula sa kaliwa ng puti hanggang sa kanan.

Bukod pa rito, malaking titik ang ginagamit sa mga piyesa tulad ng sumusunod:
K: Hari
Q: Reyna
R: Rook
B: Bishop
N: Kabayo
P: Pawn (bagama't, sa kaugalian, ang P ay karaniwang tinatanggal sa notasyon)

How to Write a Chess Move

Paano Isulat ang Tira

Para isulat ang tira, ibigay ang pangalan ng piyesa at ang square na paglalagyan. Kapag kinain ang piyesa, idinadagdag natin ang simbulong x para sa "kinain" bago ang paglalagyang square.

Halimbawa, sa larong ito, ang unang tira ng puti ay Nc3: kabayo sa c3 square. Ang sagot ng itim ay f5 (tandaan, ang P ay tinanggal). e4 ang tira ng puti at kinain ng itim ang pawn, fxe4, kinain ng f ang e4. Ang file f ay pinalitan ang pangalan ng pawn, dahil tinanggal ang P. Kumain din ang puti, Nxe4. Ang kabuuan ng laro ay isinulat na
...       Nf6

Nxf6+ gxf6

Qh5#

+ ang simbulo ng check, at # ang simbulo ng checkmate.

Mga Espesyal na Simbulo

x: kinain
0-0: kingside castle
0-0-0: queenside castle
+: check
#: checkmate
!: good move
?: poor move

pwedeng dagdagan ng ! at ? para mas matindi.

Pag-iwas sa Ambiguity

Rd1 ay hindi sapat para isulat ang tirang ito--aling rook?

Sa mga sitwasyong kung saan ang regular na notasyon ay hindi malinaw, magdagdag ng ekstrang titik o bilang para banggitin ang pinanggalingan ng piyesang itinira. Dito, Rad1, rook mula sa file a dinala sa d1 square, ay nilutas ang problema. Kapag ang pawn ang kumain, laging ilagay ang pinanggalingang file, gaya ng fxe4 at gxf6 sa itaas.

Other Chess Notation

Iba Pang Notasyon

Karamihan sa mga manlalaro ngayon ay gumagamit ng Notasyong Algebraic, pero may ilang ibang variant:

Ang Mahabang Notasyong Algebraic ay isinusulat ang pinanggalingang square pati ang pagdadalhang square sa bawat tira.

Notasyong Descriptive, isang lumang sistema, pinapangalanan ang mga file ng chess board sa piyesa. Halimbawa, ang file c ay tinatawag na QB, o queen's bishop's file. Ang mga rank ay isinusulat ayon sa pananaw ng bawat manlalaro. Ang QB3 ng puti ay QB6 ng itim.

Mag-download ng Libreng Scoresheet ng Notasyon ng Chess

Pwede kang mag-download ng libreng scoresheet ng chess dito, o bumili ng scorebook gaya nito para makapag-notasyon, pero pwede rin namang magsimula gamit ang regular na linyadong papel.

Printable Chess Scoresheet

erik
Erik

[Please Note: Don't send me Tech Support, Abuse Reports, or other "Site" issues. Please contact Chess.com Support for those things. But I do love thank you notes and personal messages! Thank you!]

Yes, I am the guy who started Chess.com (along with Jay, Igor, Piotr, and many others). I have 3 amazing daughters, one wild son, and a wonderful, patient wife! I learned chess when I was 8 years old. Since then I have been playing, studying, and enjoying it regularly. I prefer semi-open and closed positions that blow up tactically (like the Closed Sicilian, King's Indian, Glek etc). 

Want to know more about how Chess.com got started? Read about it here!